Steffi. 17. Dreaming.
I'm 5"2, can I squeeze myself in your heart now?
Words cannot fathom my life rn. Ugh.
Whatever.
Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi mo magawang bigyan ng tsans ang isang lalaking kaya ibigay/gawin lahat para lamang sa’yo. Hindi ko lubos maisip na bakit ikaw ay tila na bubulag sa mga taong hindi karapatdapat sa’yo. Hindi ko rin lubos maisip na bakit sa lalaking iniwan ka nung una, at muli namang bumabalik sa’yo at ikaw naman ‘tong si Tanga na mahal pa rin yung gagong iniwan ka, at ngayon ikaw’y mukhang niloloko nanaman. Hindi ko lubos maisip na bakit may isa ka pang lalaki na hindi mo magawang iwan dahil lang sa pagkakaibigan niyo kuno (KINAIBIGAN KA NIYA KASI GUSTO LANG NIYA ANG MATAMIS MONG OO) at nung una ay kras mo itong lalaking ‘to pero ngayon naman ay wala na, ni hindi mo kayang magalit siya sa’yo, hindi mo rin siya maiwan dahil alam mong mahal ka niya pero alam mo sa sarili mo na hindi mo talaga siya mamahalin kahit kailan. Kahit ano pang pilit mo, wala talaga.
Heto tuloy si lalaki na kayang ibigay at gawin lahat para sa’yo ay nagpaparaya na lang at tinitiis ang sakit. Bakit isinasantabi mo siya? Paano na lang kung bigla na lang siya nawala o nagsawa sa’yo? Ikaw nanaman ‘tong si TangaBoboInutil hahabol sa kanya. Bahala ka, Kaibigan. Desisyon mo na ‘yan. Hindi ko lang talaga lubos maisip kung bakit.
4 notes | Permalink